Malabo pa sa ngayon na tuluyang bawiin ang overseas deployment ban sa healthcare workers habang nasa ilalim ng state of calamity ang Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangalagaan ang kalusugan ng mga health workers.
“Malinaw po ang Presidente, habang mayroon po tayong state of calamity dahil sa COVID-19, mahihirapan pong i-lift iyang ban na iyan,” sabi ni Roque.
Bago ito, inanunsyo ni Pangulong Duterte na pinapayagan nang makaalis ng bansa ang mga healthcare workers na mayroong kontrata mula nitong August 28, 2020.
Facebook Comments