Total liquor ban, ipapatupad sa lalawigan ng Laguna

Naglabas ng abiso ngayon ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna hinggil sa pagbabawal sa pagbebenta ng alak sa oras na ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa abiso ni Laguna Governor Ramil Hernandez, nagpatupad ang pamahalaang panlalawigan ng total liquor ban sa buong Laguna mula March 29 hanggang April 4, 2021.

Alinsundo sa Executive Order no. 7 series of 2021, ang pagbebenta, pamamahagi, at pagkonsumo ng anumang uri ng alak ay mahigpit na ipinagbabawal.


Inaasahan ng pamahaalaang panlalawigan ang kooperasyon ng mga local chief executives sa pagpapatupad nito sa kani-kanilang bayan at lungsod gayundin ang pagsunod ng kanilang mga mamamayan.

Ang nasabing hakbang ng Laguna Provincial Government ay isang paraan upang mapigilan ang lalong pagkalat ng COVID-19.

Kasabay nito, mariing ipinaalala sa bawat residente ng Laguna na manatili na lamang sa loob ng kanilang tahanan at iwasan ang pagpunta sa mataong lugar kung hindi naman kinakailangan.

Facebook Comments