TOTAL LIQUOR BAN SA BAYAN NG ROSALES, MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA PAPARATING UNDAS

Nakatakdang ipatupad ng lokal na pamahalaan ng Rosales, Pangasinan ang total Liquor Ban bilang paghahanda sa paparating na paggunita sa araw ng mga patay ngayong taon.
Sa ilalim ng Executive Order No. 72 na inilabas ng LGU Rosales, ipapatupad nito ang pagbabawal sa pagbebenta, pag-aalok, pamimili sa lahat ng klase ng mga alak upang mapanatili ang kapayapaan sa bayan.
Istriktong ipapatupad ang nasabing kautusan ala una ng October 31, 2022 at magtatapos naman sa November 2, 2022 alas 12 ng madaling.

Sa EO, nakapaloob din na bawal ang mga indibidwal na nasa impluwensya ng alak na pumasok sa loob ng sementeryo mapa pribado man o publiko.
Upang maipatupad ang naturang kautusan, inatasan ng EO ang lahat ng mga Barangay Officials maging ang mga cvos na mula sa 37 mga barangay sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments