Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na fake news ang kumakalat na balita na magkakaroon ng total lockdown sa Metro Manila.
Pero ayon kay Roque, hindi fake news na ‘kinukunsidera’ na ngayon pamahalaan ang total lockdown lalo na’t marami pa rin ang pasaway.
Sinabi nito na nakarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring pagkukumpulan ng tao sa mga pamilihan, ang traffic sa ilang pangunahing kalsada at ang pag-uumpukan ng mga tao sa kabila nang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung kaya’t isa sa mga kinokonsidera ngayon ay ang pagpapatupad ng total lockdown o wala ni-isa ang papayagang lumabas.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa higit 100,000 indibidwal na ang kanilang nahuli dahil sa paglabag sa curfew at ECQ.
Nasa higit 100 na mga sasakyan naman ang nahuli at natiketan ng PNP-HPG kahapon dahil sa hindi otorisadong pag-b-byahe.