Sa pagpapatuloy ng DENR-ARMM sa pagpapalakas ng kanilang implimentasyon ng Total Log Ban sa ARMM ay nadiskubre ng departemento ng illegal logging activity sa Brgy. Poblacion, Barira, Maguindanao.
Matatandaang noon lamang Pebrero ay nakasabat ng mga tabla ang militar sa pamumuno ni 1LT Beljun Tulod ng Bravo Company, 37th IB Philippine Army.
Ang mga iligal na kahoy ay isinakay sa 4 na Isuzu Elf at isang Mazda Titan trucks na naharang nang maglunsad ng mobile checkpoint patrol sa area ang kasundaluhan.
Nitong April 12 nang magsagawa ng adjudication meeting proceeding ang ARMM-DENR para sa opisyal na issuance ng apprehension.
Hanggang sa kasaluluyan ay wala pa ring claimant ang nakumpisyang illegal lumbers.
Kasunod ng paglawak sa 6.8% forest cover ng ARMM ay mas lalong nagsusumikap ang DENR-ARMM sa pamumuno ni regional Sec. Forester Kahal “Jack” Kedtag na ma-sustain ang istriktong pagpapatupad ng Total Log Ban o E.O. 001 ni ARMM Gov. Mujiv Hataman.
Total Log Ban sa ARMM, mas pinaiigting ng DENR-ARMM!
Facebook Comments