*Muling nagpaalala ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources ARMM na nagpapatuloy ang implementasyon ng total log ban sa rehiyon.*
*Layun nito ay upang mapanatiling mapalago ang forest cover sa buong ARMM at maiwasan ang mga trahedyang maaring hatid ng baha giit ni DENR ARMM Sec. Kahal Jack Kedtag.*
*Mariin rin nitong inihayag na maaring makulong o maparusahan ang mga mahuhuling lalabag .*
*Matatandaang noong nakaraang linggo anim katao ang hinold ng mga elemento ng Parang MPS sa pangunguna ni COP CIns Erwin Tabora matapos makumpiskahan ng limang truck na lulan ng pinaniniwalaang illegally cut logs mula sa bayan ng Matanog at planong dalhin sa mga kalapit bayan.*
*Ang pagkakasabat sa mga ito ay bunsod na rin sa mas pinalakas na kampanya ng Iranun Task Force kontra illegal logging katuwang ang DENR ARMM Officials.*
*File Pic*