Total Recoveries sa Isabela, Umabot na sa Mahigit 58,000

23

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa mahigit 58,000 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Disyembre 10, 2021, nakapagtala ang probinsya ng 32 na bagong gumaling sa COVID-19 na nagdadala sa total recoveries na 58,408.

Bukod dito, nakapagtala pa rin ng sampung (10) panibagong kaso ang probinsya at wala namang naiulat na nasawi.


Sa kabila ng mga naitalang bagong tinamaan ng COVID-19, bumaba pa rin sa 198 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela at nananatili din sa 2,058 ang total COVID-19 Related Deaths.

Sa kasalukuyan, nasa 60,664 na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kinapitan ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.

Facebook Comments