Total revamp sa mga tauhan ng BI sa lahat ng terminal ng NAIA, ipinag-utos ni Commissioner Jaime Morente

31

Kinumpirma ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang “total revamp” sa kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1, 2 at 3.

Sinabi ni Morente na ang rigodon ay epektibo sa lalong madaling panahon bilang bahagi ng reporma at transformation efforts ng BI.


Sakop ng revamp ang lahat ng personnel na nakatalaga sa NAIA terminals, mula sa Port Operations Division (POD) Deputies, terminal heads hanggang sa counter personnel. Pero, ang kapalaran ng Chief ng POD, pagpapasyahan ng Department of Justice o DOJ.

Ang personnel movements ay alinsunod din sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magkaroon ng revamp sa BI matapos mabunyag ang ‘pastillas’ modus na kinasasangkutan ng ilang immigration personnel.

Una na ring kinumpirma ni Morente na magdadagdag sila ng CCTV cameras sa immigration areas.

Facebook Comments