TOTAL REVENUE NG LUNGSOD NG DAGUPAN, TUMAAS

Pumalo sa PHP1.4 bilyon noong 2024 ang naging kita ng lungsod ng Dagupan, ayon kay Mayor Belen T. Fernandez.

Sa kanyang naging State of the City Address noong Martes, sinabi nito na Tumaas ang kita mula sa business permits, miscellaneous fees, community tax, at property tax mula PHP264.5 milyon noong 2022 hanggang PHP 304.5 milyon ngayong taon.

Malaki rin ang naging kontribusyon ng kita ang nagmula sa mga pampublikong pamilihan, mula PHP76 milyon noong 2022, ngayon ay halos PHP 92 milyon na. Dagdag pa riyan ang koleksyon sa mga pampublikong palikuran ng lungsod, na umabot mula PHP3.4 milyon noong 2022 sa PHP7.5 milyon ngayong 2024.

Pinasalamatan ng alkalde ang mga bagong pamumuhunan at negosyo, pati na rin ang mga polisiya na nagpabilis sa proseso ng negosyo. Matatandaan na nauna nang nakamit ng Dagupan City ang ang tanging lungsod na pinarangalan para sa tama at maagap na pagsumite ng Electronic Statement of Receipts and Expenditures noong 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments