Totoong bank accounts at partners ni Trillanes, isasapubliko ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang mga deposito sa bangko ni Senador Antonio Trillanes IV.
Sa pagharap ni Pangulong Duterte sa media sa Davao City ay sinabi nito na isisiwalat din niya sa tamang panahon ang mga partners ni Trillanes sa mga account sa ibat-ibang lugar.
Dapat lang aniyang maghantay ang publiko kung kailan niya ito isisiwalat.
Iginiit din naman ni Pangulong Duterte na talagang binago niya ang isinapubliko niyang bank accounts umano ni Trillanes dahil alam niya na kakagat ang Senador.
Matatandaan na nagpunta pa ng Singapore si Trillanes para patunayan na hindi totoo ang mga isiniwalat ni Pangulong Duterte na kanya umanong bank accounts.

Facebook Comments