TOUCHDOWN | Philadelphia Eagles, hari ng National Football League

NFL – Isang upset ang naitala ng Philadelphia Eagles matapos nilang gulatin ang paboritong New England Patriots, 41-33 sa Super Bowl 52 sa Minnesota.

Ito ang unang NFL title ng Philadelphia sa Franchise History.

Lamang ang Eagles sa kabuan ng title game bago nakuha ng Patriots ang lamang 33-32 sa four yard pass ni Tom Brady kay Rob Gronnkowski sa 4th Quarter.


Pero ito na pala ang huling hirit ng New England dahil hindi na nila natibag ang depensa ng Eagles habang umangat naman ang laro ni Quarterback Nick Foles.

Umiskor ng touchdown ang Eagles sa 11 yard na bato ni Foles kay Zach Ertz saka sinelyuhan ni Jake Elliot ang panalo sa kaniyang 46 Yard Field Goal.

Facebook Comments