Tour of duty ni Archbishop Gabriele Giordano Caccia bilang Apostolic Nuncio to the Philippines, matatapos na

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na matatapos na sa December 22  ang tour of duty ni Archbishop Gabriele Giordano Caccia bilang Apostolic Nuncio to the Philippines.

Nag-farewell call na kay Secretary Teodoro Locsin Junior si Archbishop Caccia na nagsilbi ding dean ng diplomatic corps sa bansa simula noong December 2017 matapos siyang italaga ni Pope Francis bilang kanyang opisyal na kinatawan sa Pilipinas Noong September 12, 2017.

Pinasalamatan ni Secretary Locsin si Archbishop sa kaniyang 2 taon pamamalagi sa bansa bilang apostolic nuncio o katumbas bilang ambassador ng Vatican sa Pilipinas.


Maililipat bilang Permanent Observer ng Vatican sa United Nations sa New York si Caccia.

Wala naman inaanunsyo ang Vatican na magiging kapalit ni Caccia.

Facebook Comments