TOURISM AND FOOD EXPO 2022, UMARANGKADA KASABAY NG HUNDRED ISLAND FESTIVAL SA ALAMINOS CITY

Matagumpay na inilunsad ang pagbubukas ng Tourism & Food Expo 2022 ng lokal na pamahalaang lungsod ng Alaminos bilang bahagi ng pagdiriwang ng Hundred Islands Festival 2022.
Ang ganitong aktibidad ay malaking tulong umano para sa mga kababayan na masigasig sa pagpapakita ng kanilang sipag at talento sa paggawa ng lokal na produkto na maaaring maipagmalaki sa ibang bansa.
Ito ay isa rin umanong magiging daan upang sa gayon ay makabawi ang mga ekonomiya mula sa nararanasang pandemya na lubhang nakaapekto sa kanilang negosyo.

Ag aktibidad na ito ay pinangasiwaan ito ng City Tourism Office katuwang ang mga empleyado dito.
Ang Tourism Expo ay tatagal hanggang ika-21 ng Marso, mula 8AM hanggang 9PM, samantala ang Food Expo ay hanggang ika-31 ng Marso mula 4PM hanggang 11PM.
Samantala, sa kabila naman ng pagdiriwang ay kailangan pa umanong sundin ang umiiral na health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask. | ifmnews
Facebook Comments