
Ipinag-utos ng Department of Tourism o DOT sa mga turista sa mga coastal area na itigil ang tourism-related establishments
Kasunod ito ng banta ng tsunami makaraan ang malakas na lindol sa Russia.
Sa kalatas ng DOT na ipinadala sa mga tourism establishment sa mga tabing dagat sa pacific region, pinababantayan din nito ang kaligtasan ng mga turista.
Ipinapatigil din ng Tourism Deparment sa resort owners ang anumang resort activities
Pinapayuhan din ang mga turista na nasa mga beach at coastal resorts na iwasan munang magtungo sa dalampasigan at sumunod sa mga paalala ng mga otoridad
Partikular sa Batanes Group of Islands, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes.
Gayundin sa Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, at Davao del Sur.









