Tourism Department, nagpaalala sa mga bibiyahe patungong Cebu

Sa gitna ng paninindigan ng pamahalaang lokal ng Cebu na hindi maghigpit sa ilang patakaran sa pagpapasok ng mga turista sa lalawigan, nagpaalala ang Department of Tourism (DOT) sa mga turistang tutungo roon.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na dapat tiyakin ng mga turista at ng stakeholders na nasusunod ang minimum health at safety protocols sa pagpunta sa lalawigan.

Pinapaalalahanan din ng kalihim ang mga manggagawa sa turismo at sa DOT accredited establishments na tiyaking nasusunod ang pagsusuot ng face mask, face shield, hand sanitizing, habang gumaganap sa kanilang tungkulin para maprotektahan hindi lamang ang mga turista, kundi maging ang kanilang sarili laban sa COVID-19.


Nilinaw naman ni Puyat na kinikilala ng DOT ang prerogative ng Local Government Unit (LGUs) na magpatupad ng protocols na makakabuti para sa kanilang sitwasyon.

Facebook Comments