TOURISM FRONTLINERS SA PANGASINAN, BABAKUNAHAN NA

Babakunahan ngayong araw ang mga tourism frontliners sa probinsiya ng Pangasinan kaugnay sa vaccination program laban sa COVID-19.

Pfizer Vaccine ang nakatakdang iturok sa mga nasabing kategorya.

Isasagawa ito sa isang mall sa bayan ng Rosales katuwang ang Provincial Health Office, Provincial Tourism at ang Cultural Affairs Office.


Magsisimula ang pagpaparehistro 8:00 ng umaga at magtatapos sa 2:00 ng hapon
Ayon sa Provincial Tourism, first come, first served ang nasabing pagbabakuna.

Kailangang magpakita ng government ID o medical certificate para sa mga indibidwal na mayroong sakit.###

Facebook Comments