Manila, Philippines – Nangangamba si Committee on Tourism Chairperson Senator Nancy Binay sa magiging epekto sa tourism industry ng inihihirit ni House Speaker Pantaleon Alvarez na limang taong pagpapalawig ng umiiral na martial law sa buong Mindanao.
Sabi ni Senator Binay, dapat pagaralang mabuti na kung sa lalawigan na lang ng lanao pairalin ang batas militar kung ito palalawigin pa.
Dagdag pa ni Senator Binay, may taxi drivers syang nakausap na nagsasabing nabawasan talaga ang mga turista na kanilang nagiging pasahero kaya apektado din ang kanilang kabuhayan.
Paliwanag ni Senator Binay, napakalaki ng kontribusyon ng turismo sa GNP o Gross National Product.
Kaugnay nito ay plano ni Senator Binay na magsagawa ng pagdinig upang alamin sa Dept. of Tourism ang ginagawa nitong hakbang para tugunan ang epekto ng martial law sa sektor ng turismo..
“Talagang naaapektuhan ngayon yung industriya ng turismo pagdating dito sa usapin ng Martial Law. Magandang ngang pag-aralan din baka pwedeng i-ano (restrict) hanggang Lanao na lang yung coverage ng Martial Law. Siguro magandang pag-aralan kung ano ba yung mga options namin pagdating sa Martial Law,” pahayag ni Senator Binay.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558