Tourism marshalls, ipinakalat sa Puerto Galera

Magpapakalat ng tourism marshalls sa Puerto Galera kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga turista na tanyag dahil sa mga white beach.

Ayon kay Puerto Galera Municipal Administrator Carmela Datinguinoo, titiyakin ng mga ito na nasusunod pa rin ang health & safety protocols.

Maliban dito, may nakahanda rin silang ACU center o Acute COVID Unit Center na accredited ng Department of Health o DOH kung saan puwedeng magpapasok ng mga turista na positibo sa COVID-19.


Mayroon din silang nakahandang isolation quarantine facility.

Sa ngayon, nag-aaverage sa isang libong turista ang bumibista at nagbabakasyon sa Puerto Galera dahil mahigpit pa rin nilang sinusunod ang Inter-Agency Task Force o IATF protocol na 50% venue capacity.

Facebook Comments