Tourism minister ng Malaysia, naniniwalang walang homosexual sa kanilang bansa

Itinanggi ni Malaysian Tourism Minister Mohamaddin Ketapin na may mga homosexuals partikular ang mga bading sa kanilang bansa.

Naniniwala ang ministro – na walang gay people sa isang Southeast Asian country kung saan ang mayorya ng mamamayan nito ay mga Muslim.

Iniwasan namang sagutin ni Ketapin ang tanong hinggil sa kaligtasan ng LGBT at Jewish travelers sa Malaysia.


Pero nilinaw ng opisyal na mayroon silang open policy sa pagtanggap ng foreign tourist at wala silang inilalatag na “obstacle” sa kanilang mga bisita base lamang sa kanilang sexual orientation, religion at cultural practices.

Bilang isang sovereign nation, umaasa silang igagalang ang kanilang pananaw hinggil sa LGBT community at Israel.

Facebook Comments