Inihayag ng Pamahalaang Panlalawigan ang planong pagtatatag ng Tourism Police sa Pangasinan na tututok sa kaligtasan ng mga pook pasyalan sa lalawigan.
Ayon kay Vice Governor Mark Lambino, parehas sa tungkulin ng kapulisan sa mga himpilan na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad, pokus naman ng bubuuing Special Unit ng Tourism Police ang pagbabantay sa mga pook pasyalan tulad ng mga simbahan, baybayin at ilan pang pangunahing atraksyon.
Ang ideya ay kahalintulad ng mga ipinapakalat na awtoridad sa mga pangunahing tourism spots sa bansa na nakatalaga partikular sa pagtitiyak ng maayos na paglalakbay at pamamasyal ng mga bisita.
Layunin na maisulong ang turismo sa Pangasinan at mapangalagaan ang karanasan ng mga bisita kasabay ng pagtataguyod ng kabuhayan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







