Bahagyang tumaas ang naitalang tourism revenue ng La Union noong 2024 ayon sa La Union Tourism Office.
Mula sa P1. 03 billion na kabuuang kinita noong 2023, nakapagtala ang tanggapan ng P1. 06 billion ngayong 2024.
Sa pagtatala, pinaka binibisita ang bayan ng San Juan na may 211,234 tourist arrivals noong 2024; San Fernando City na nakapagtala ng 105,730; at Bauang na may 105, 527 bisita.
Bagaman bumaba ng dalawang porsyento ang naitalang tourist arrival sa magkasunod na taon, tumaas naman ang kagustuhang gumastos ng bawat turista dahilan ng pagtaas ng revenue.
Sa nakalipas na visitor experience survey, lumabas na highly satisfied ang mga turista na karaniwang bumibisita sa mga baybayin dahil sa mga maayos na tanawin at travel options upang madaling mapuntahan ang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨