Tourism Sec. Ma. Christina Frasco, naghain ng LOA

Naghain ng kaniyang Leave of Absence (LOA) si Tourism Sec. Ma. Christina Frasco

Ito ang kinumpirma ng Office of Public Affairs and Advocacy ng Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Director Czarina Zara – Loyola, magsisimula ang LOA ni Frasco sa Huwebes, July 13 hanggang July 21.


Layon ng LOA ng kalihim na mabigyan ito ng pagkakataon na makapiling pansamantala ang kaniyang pamilya.

Kinumpirma naman ni Loyola na dadalo pa rin si Frasco sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Inihain aniya ang LOA ni Sec. Frasco bago pa man pumutok ang kontrobersyal na Love the Philippines Tourism Campaign ad ng DOT.

Facebook Comments