Iginiit ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na bukod sa pagtutok sa tourism slogan ay dapat pagtuunan ang ating mga paliparan, imprastraktura at seguridad para makahikayat ng turista.
Para kay Recto, hindi sapat ang slogan sa pag-iimbita ng mga turista maliban na lang kung lubos nitong nailalahad ang mga magagandang tanawin o lugar sa ating bansa.
Diin ni Recto, kahit gaano kaganda ang tourism brand ay malulusaw ito sa tindi ng init at siksikan sa ating mga paliparan, sobrang sikip na daloy ng trapiko at hindi kanais-nais na mga restrooms.
Paliwanag ni Recto, ang isang bansa na maganda ay hindi na mangangailangan pa ng tourism slogan para dayuhin ng mga turista.
Pero ayon kay Recto, kung hindi kapuri-puri ang ating bansa, ay hindi rin uubra ang kahit na anong slogan para mapasigla ang sektor ng turismo.