Tourism workers at mga residente sa tourist destination, mahalagang agad mabakunahan

28

Inirekomenda ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa mga lokal na pamahalaan na mabakunahan na laban sa COVID-19 ang mga tourism workers at mga residente sa mga tourist destination sa bansa.

Sinabi ito ni Puyat sa forum na isinagawa ng Manila Overseas Press Club o MOPC.


Ayon kay Puyat, ang tourism frontliners at mga residente ng Boracay ay kasama sa mga pangunahing iminungkahi niya kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na iprayoridad sa COVID-19 vaccine rollout.

Binanggit ni Puyat na hiniling din niya sa IATF at kay Bohol Governor Arthur Yap na bakunahan sa lalong madaling panahon ang tourism stakeholders sa Bohol na dinadayo rin ng mga turista.

Paliwanag ni Puyat, kapag nabakunahan na ang mga manggagawa sa sektor ng turismo tulad ng mga tour guides at empleyado ng mga hotel ay maaari na silang tumanggap ng mga fully vaccinated na turista.

Facebook Comments