TOURIST ARRIVAL NG MANAOAG, PUMALO NA SA 3. 2 MILYON NGAYONG TAON

Umabot na sa 3.2 milyon ang naitalang tourist arrival ng bayan ng Manaoag mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Prov’l Tourism Officer Malou Elduayan sa isinagawang paglulunsad ng Marian Pilgrimage Circuit na isinagawa sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag.
Nangunguna umano ang pamoso at sikat na Minor Basilica of Our Lady of Manaoag ang pinapasyalan maging ang mga beaches sa bahagi ng Western Pangasinan.

Bago pa man ang pandemya, nasa 8.55 milyong day visitor arrival sa 12 key tourism site ng Pangasinan ang naitatala. 72.9 percent dito o 6.23 million ay bumisita sa The Minor Basilica of Our Lady of the Rosary Manaoag sa bayan ng Manaoag.
Inaasahan namang mas tataas pa ito sa paglulunsad ng Marian Pilgrimage Circuit na isinusulong ang Religious Tourism ng DOT Region 1. |ifmnews
Facebook Comments