Mababa pa rin ang bilang ng tourist arrival sa Pilipinas bagama’t niluwagan na ang travel restriction partikular sa mga fully vaccinated kontra COVID-19.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval na bagama’t dumami na ang mga biyahero ay hindi pa rin natin naaabot ang bilang ng mga turistang dumating sa bansa bago tumama ang pandemya.
Kagaya aniya nitong Setyembre kung saan wala pang isang milyon ang tourist arrival kada nationality na karaniwang naitatala nila sa ganitong panahon.
Samantala, sa mga dumating na turista sa bansa noong nakaraang buwan, pinakamarami ang American national na umabot sa higit 370,000.
Sinundan ito ng mga Korean na nasa higit 187,000; Australians na nasa 70,000; Canadians, 68,000 at Japanese national na nasa higit 62,000.