Tourist arrivals sa bansa, tumaas

Tumaas ng 8.5 percent o kabuuang 2,867,551 mula Enero hanggang Abril ngayong taon ang tourist arrivals sa bansa.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), mas tumaas ito kumpara sa 2,641,241sa parehong taon ng 2018.

Sinabi pa ng DOT na umabot sa 2,790,303 mga travelers ang bumibisita sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga paliparan sa Manila, Cebu, Kalibo, Clark, Palawan, Davao, Bohol at Iloilo kung saan, 11 porsyentong mas mataas kaysa sa 2,521,087 tourist arrivals sa kaparehong taon.


Habang bumaba naman sa 36 porsyento o 77,248 ang tourist arrival sa bansa sa pamamagitan ng seaports sa Maynila, Subic, Palawan, Batangas, Davao, Pangasinan, Cebu, Zamboanga, Bohol (Tagbilaran), Romblon, Boracay, Leyte at Laoag mula 120,154 noong nakaraang taon.

Facebook Comments