TOURIST ATTRACTION SA DASOL, PANGASINAN, BINUKSAN NA PARA SA MGA MANGGAGALING SA IBANG PROBINSYA AT REHIYON

DASOL, PANGASINAN – Pinapayagan na muli ng lokal na pamahalaan ng Dasol ang mga turistang manggagaling sa labas ng ibang probinsya maging sa ibang rehiyon na bumisita sa lahat ng atraksyon sa bayan.

Sa bisa ng Executive Order No. 37, series of 2021 na inilabas ng LGU, binubuksan na muli ang lahat ng atraksyon sa bayan at pinapayagan na ang mga mga turistang galing sa labas ng probinsya hanggang sa iba’t ibang rehiyon.

Sa kabila ng pagbubukas, mayroong pa ring kapalit o requirement na kailangang sundin ang isang turistang indibidwal na magtatangkang pumasok sa bayan ay kailangang mayroon itong SPASS Travel Permit, nakapag-parehistro sa pangasinan.tarana.ph at negatibong RT-PCR Test o ang Rapid Antigen Test result sa loob ng dalawang araw at ang Vaccination Card kung hawak na, kung hindi pa ay ang resulta na lamang ng RT-PCR Test.


Kung nasa bisinidad na ng Dasol, kailangan lamang i-obserba ang mga patakaran ng LGU, magtungo at magparehistro sa Tourism Information at sa Assistance Centers, magtala ng declaration form at ang kabayarang environmental fee na P20.

Inilabas ang naturang kautusan nito lamang ika-7 ng Oktubre.

Samantala, ipinanawagan naman ng LGU na maging responsable at sumunod na lamang sa patakaran sakaling bibisita sa lugar.

Facebook Comments