Tourist destinations, dapat lagyan ng health facilities

Iginiit ni Senator Grace Poe sa Department of Tourism (DOT) na tiyaking may health facilities sa mga tourist destination sa lahat ng panig ng bansa.

Ayon kay Poe, ito ay upang maging kampante ang mga tao sa kanilang kaligtasan sa pagbiyahe at agad matugunan ang kanilang pangangailangang medikal.

Diin ni Poe, ang pagtatayo ng health facilities ang unang hakbang sa economic recovery ng sektor ng turismo.


Sabi ni Poe, ang sektor ng turismo ang isa sa haligi ng ekonomiya bago ang pandemya.

Binanggit ni Poe, bago dumating ang krisis pangkalusugan, nasa P2.5 trilyon ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya noong 2019.

Pero ayon kay Poe, dahil sa pandemya at pagsasara ng mga resort at hotel at mga travel restriction, nabawasan ng 61 porsiyento o bumaba sa P973.3 bilyon ang kontribusyon nito sa pagtatapos ng 2020.

Facebook Comments