Tututukan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kalinisan sa mga tourist destination sa bansa kasunod ng inaasahang pagdami ng mga turista ngayong Holy Week.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leonas, dapat tiyaking hindi kontaminado ang tubig sa mga kilalang pasyalan sa bansa.
Aniya, tutukan din ng DENR ang tamang pagtatapon ng mga basura.
Sabi ni Leonas, nagtalaga ng mga garbage bin at receptacles sa iba’t ibang tourist destination sa bansa para sa responsableng pagtatapos ng mga kalat.
Maliban rito, dapat rin aniyang maging mabilis ang mga Local Government Unit (LGU) sa pagligpit ng mga basura.
Kabilang sa mga binabantayan ng DENR ang Boracay, Palawan, Aurora, Siargao, Mindoro at Zambales na nasa ilalim ng isinasagawang protection at rehabilitation programs ng gobyerno.