Tourist Lifecycle App para sa mga turista, pinaghahandaan na ng DOT

Pinaghahandaan na rin ngayon ng Department of Tourism (DOT) ang Tourist Lifecycle App na magbibigay ng impormasyon sa mga turista sa lahat ng mga rehiyon ng bansa at mga handog sa turismo nito.

Una rito inihayag na rin ng ahenisya ang nalalapit na paglulunsad ng Philippine Experience sa Region 1 sa Hulyo ngayong taon; sa CAR pagsapit ng Oktubre; sa Region 3 pagsapit ng Disyembre; at sa Region 2 sa unang bahagi ng susunod na taon.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, kailangan na ganap na i-maximize at i-coordinate ang lahat ng feeder services sa paligid ng airport, malaking tulong rin itong paglulunsad ng tourist lifecycle app para mas makita pa ng mga turista ang mga tinatagong yaman ng Pilipinas.


Samantala, hiniling din ng ahensiya sa mga Pilipino na tangkilikin pa rin ang sariling atin bilang dagdag sa patuloy na paglago na rin ng ekonomiya at turismo ng bansa.

Facebook Comments