TOURIST PASS SYSTEM PARA SA MGA TURISTANG MULA SA LABAS NG ILOCOS REGION, BINIGYANG-DIIN

Inilunsad ng ahensya ng Department of Tourism (DOT) Ilocos Region ang tourist pass system para sa mga turistang nagnanais bumisita sa mga pasyalan sa loob ng Rehiyon I.

Binigyang diin ni DOT Ilocos regional director Joseph Francisco Ortega na kailangang magrehistro sa tourist pass system na region1.tarana.ph na isang bagong patakaran para sa kaligtasan ng lahat ng mga pagtatangkang bumisita sa loob ng rehiyon at upang madaling magkaroon ng record ang mga kinauukulan para sa contact tracing sakaling may magpositibo sa sakit.

Makakatulong din ang system na ito para sa mas mabilis na transaksyon ng mga turista. Aniya, ito ay para lamang sa mga turista at magkaiba sa registration para sa mga locally stranded individuals at sa mga OFWs.


Sakaling bibisita sa isang destinasyon ay kailangang bumisita sa website at ibigay lamang ang mga hinihinging impormasyon at hintayin lamang ang kompirmasyon ng aplikasyon sa LGU sa mga lugar ng kanilang destinasyon. Dagdag pa ni Ortega, mawawa lamang ang ibinigay na impormasyon sa website sa loob ng 30 araw.

Magkakaroon din ng access ang mga turista sa listahan ng mga DOT-accredited accommodations, tour guides, hotels, restaurants, at itineraries.

Paalala naman na hindi pa rin umano maaaring pumasok ang mga manggagaling sa National Capital Region, Cavite, Laguna, at Rizal.

Facebook Comments