Tourist police at help desk, ibabalik na ng PNP sa mga lugar na bukas na muli sa turismo

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na makasasabay sa “new normal” ang latag ng seguridad sa mga lugar na binuksan na ang tourist destinations ngayong buwan.

Ito’y kasunod na rin ng pagbubukas ng ilang mga sikat at dinarayong lugar sa bansa tulad ng isla ng Boracay sa Aklan, Baguio City sa CORDILLERA maging ang Tagaytay City sa Cavite.

Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Ysmael Yu, handa na ang kanilang mga tourist police para tanggapin ang mga turista sa kani-kanilang areas of responsibility.


Bagama’t limitado pa rin ang tinatanggap na mga turista sa nasabing mga lugar, mahigpit pa ring paiiralin ang minimum health protocols lalo’t nananatili pa rin ang banta ng COVID 19.

Facebook Comments