TOURIST POLICE UNIT NAKATAKDANG ILUNSAD SA PROBINSYA NG PANGASINAN

Magtatayo ng Tourist Police Unit (TPU) ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa lalawigan dahil sa layuning matiyak ang kaligtasan ng mga turista at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga host communities sa probinsya.
Ang hakbang ay pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at ng Pangasinan Police Provincial Office upang mailunsad ang naturang bubuuing grupo ng kapulisan sa lalawigan.
Sinabi Pangasinan PPO director Col. Jeff Fanged, na ang Philippine National Police Pangasinan ay makipag-coordinate sa Department of Tourism (DOT) para sa pagsasanay ng mga pulis na malapit nang italaga bilang tourist police.

Aniya pa, tutukuyin na rin ang mga tourist areas na nangangailangan ng deployment kasama ang Pangasinan Disaster Risk Reduction at Management Office o PDRRMO.
Samantala, aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan noong Agosto 14, Lunes ang resolusyon na nagpapahintulot kay Gobernador Ramon Guico III na pumasok at lumagda sa isang memorandum of understanding (MOU) kasama ang Pangasinan PPO para sa pagtatatag ng TPU. |ifmnews
Facebook Comments