Inaasahang matapos ang konstruksyon ng Tourist Rest Area sa Capitol Beach Front Lingayen ngayong Setyembre.
Base sa naging inspeksyon ng Pangasinan Tourism and Cultural Affairs Office, 97% nang kumpleto ang pasilidad na may layuning maiangat pa ang turismo sa lalawigan at mabigyan ng magandang karanasan ang mga dadayong turista.
Tampok sa Tourist Rest Area ang Pasalubong Center, Breastfeeding Station, Charging Station, Cafe at Comfort Rooms.
Matatandaan na naisakatuparan ang pagtatayo ng pasilidad noong Pebrero sa ilalim ng Memorandum of Agreement na nilagdaan sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at Tourism Infrastructure & Enterprise Zone Authority o TIEZA. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









