Patuloy na bumababa ang foreign arrivals sa bansa sa gitna ng paghihigpit sa international borders dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa datos ng Bureau of Immigration (BI), bumaba sa 75.15% ang tourism revenue o nasa ₱81.05 billion mula Enero hanggang Hulyo 2020 kumpara sa ₱326.15 billion na narekord sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.
Nakapagtala lamang ng 1,318,718 foreign visitors mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Nasa 76.26% ang ibanaba nito kumpara sa 5,554,950 arrivals sa kaparehas na panahon noong 2019.
Una nang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pagtutuunan ng gobyerno ang muling pagbuhay ng domestic tourism sa susunod na taon.
Facebook Comments