Tourist visa extension applications, bumaba ng halos 45 porsyento – BI

Photo Courtesy: DFA

Bumaba ng halos 45 porsyento ang bilang ng mga aplikasyon para sa tourist visa extension sa taong 2020.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nakapagproseso ang Tourist Visa Section (TVS) ng 240,276 applications para sa pagpapalawig ng pananatili ng mga turista.

Mas mababa ito ng 44.67 porsyento kumpara sa naitalang 434,251 applications noong 2019.


Paliwanag ni Morente, inaasahan na ang pagbaba ng bilang kasunod ng ipinatutupad ng restrictions sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa bunsod ng COVID-19.

Maliban dito, bumaba rin ng 40 porsyento o P1.3 bilyon ang visa extension fees sa taong 2020 mula sa P2.2 bilyong nakolekta noong 2019.

Binigyang-diin naman ng BI na ang naturang fees ay major source ng income nila at ikinokonsidera bilang indikasyon ng tumataas na reputasyon ng Pilipinas bilang tourist destination.

Facebook Comments