TOURNAMENT | Azkals, sasabak sa Bangabandhu Cup

Sasabak ang Philippine Azkals sa Bangabandhu Gold Cup International Football Tournament bilang paghahanda sa 2018 Aff Suzuki Cup at sa 2019 AFC Asian Cup.

Ang nasabing torneo ay inorganiza ng Bangladesh Football Federation na nagsimula mula Oktubre 1 at tatagal hanggang Oktubre 12.

Unang makakaharap ng Azkals ang Laos sa Oktubre 3 na susundan ng Bangladesh sa Oktubre 5.


Ang dalawang koponan na mangunguna sa bawat grupo ay abanse na ito agad sa knockout stages.

Facebook Comments