Manila, Philippines – Nagsampa na ng reklamo sa Metropolitan Manila Development Authority ang isang motorista dahil sa pang-aabuso ng isang towing company.
Reklamo ni alayas “James”, imbes na tiketan lang siya, hinatak na lang bigla ang kaniyang sasakyan kahit na wala pa raw limang minuto mula nang magbigay babala ang enforcers sa sidewalk ng E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.
Ayon naman sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, “unwritten rule” ang 5-minutes na grace period kung saan mali pa rin na nahatakin ang sasakyan lalao pa’t agad naman humarap ang may-ari ng sasakyan.
Paalala pa ng MMDA, bubusina dapat ang clearing operations team ng limang beses bilang signal sa mga driver na alisin na ang kanilang sasakyan at kung hindi ito lumabas ay saka lamang ito hahatakin.
Aminado naman ang biktima na nagkamali siya sa ginawa pero pakiusap nito sa MMDA na maging patas.
Hawak naman na MMDA traffic adjudication board ang kaso at nangako sila na iimbestighaan nila ng maigi ang insidente.
Nanawagan din ang traffic adjudication board sa iba pang mga motorista na may nakikitang iregularidad sa operasyon na kanilang ginagawa, maaari silang tumawag sa telephone number na 882-4150 local 1089.