Town house sa Q.C, binulabog ng sunog kagabi

233

Manila, Philippines – Tinupok ng apoy ang tatlong unit ng Carmel townhouse sa 4th street malapit sa kanto ng Gilmore Ave. New Manila QC kagabi.

Ayon sa mga residente, walang tao sa unit 6-A na inuupahan ni Edison Ty nang sumiklab ang apoy dakong alas nueve ng gabi.

Sabi ni FCI Richard Malamog ang hepe ng Quezon city fire sub-station 4, hindi pa malinaw kung sa second floor nagsimula ang sunog.


Dahil sa lakas ng apoy nadamay din ang dalawa nitong katabing unit.

Tinatayang aabot sa kalahating milyong pisong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.



Facebook Comments