TPLEX, bubuksan na ng DPWH sa publiko sa July 15

Bubuksan na sa publiko ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ika-15 ng Hulyo ang 88.85 kilometers Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Ang TPLEX ay magagamit ng mga bumibiyahe mula Tarlac City hanggang Rosales, Pangasinan; Rosales, Pangasinan hanggang Urdaneta, Pangasinan; at Urdaneta City, Pangasinan hanggang Rosario, La Union.

Ginawa ang proyekto sa ilalim ng San Miguel Corp. Private Infra Development Corporation (PIDC) katuwang ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), North Luzon Expressway (NLEX) at DPWH.


Facebook Comments