TPLEX Extension project, aprubado na ng NEDA board

Inaprobahan na ng National Economic Development Authority o NEDA board ang Tarlac, Pangasinan, La Union, Expressway Extension project o karagdagang 59.4 km na highway mula Rosario Pangasinan hanggang Ilocos Norte.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni NEDA Director General Secretary Arsenio Balisacan na plano nilang makumpleto ang proyektong ito sa loob ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang halaga aniya nito ay 23.4 bilyong pisong na inaasahang makapagpapabuti ng access ng publiko at ng economic activities mula La Union hanggang Ilocos Norte.


Sa ngayon, sinabi ni Balisacan na may kabuuang 194 projects na nakalinya sa ilalim ng Marcos administration.

Sa bilang na ito, 68 ay ongoing ang pagpapagawa, 9 naman ang naghihintay ng pag-apruba ng NEDA board.

Umaasa ang kalihim na ilan sa 9 na proyektong ito ay maaprubahan ni Pangulong Marcos Jr., bago ang State of the Nation Address o SONA sa July 24 ngayong taon.

Facebook Comments