Trabahador, Arestado Matapos Masamsaman ng mga Baril at Granada!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang trabahador matapos masamsaman ng mga baril at granada sa isinilbing search warant ng mga otoridad sa Brgy Ballacayu, San Pablo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, kinilala ang suspek na si Mario Gammaru, 44 anyos, laborer at residente ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa pag-iingat ni Gammaru ang isang Caliber 38, isang Caliber 357, isang granada at mga bala.


Ang suspek at mga nakumpiskang mga baril, bala at granada ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments