Trabahador, Arestado sa Panununtok

17
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang trabahador na wanted person dahil sa ginawang panununtok sa isang lalaki sa Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na Si Allan Jay Cadeliña, 26 taong gulang, binata, at residente ng Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City.

Dinakip si Cadeliña sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Mary Jane Socan Soriano ng MTCC ng Cauayan City sa kasong Slight Physical Injuries at hindi pagharap sa imbitasyon ng korte.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa suspek, inihayag nito na sinuntok niya sa mukha hanggang sa nagka-black eye si Dominador Domingo, 25 anyos, binata, nagtatrabaho sa isang rice mill at residente rin ng Brgy Nungnungan.

Ito’y matapos umanong makapagbitaw ng hindi magandang salita ang biktima sa dalagang kapatid ng suspek.

Nangyari ang insidente noong Hunyo taong kasalukuyan.



Dahil dito, nagreklamo ang biktima sa kanilang Barangay subalit hindi nadaan sa aregluhan kung kaya’t iniakyat ito sa korte.

Samantala, nakatakdang magpiyansa ngayong araw, Disyembre 28, 2021 ng halagang Php2,000 si Cadeliña na kasalukuyang nakapiit sa lock-up cell ng PNP Cauayan para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments