Dahil sa tiwala ng amo ng isang lalaki sa bayan ng Dasol, inutusan nito ang kanyang trabahador na iuwi ang motorsiklo ngunit bigo itong makauwi sa kanilang tahanan.
Nangyari ang pag-utos ng among tinangayan ng motorsiklo ng kanyang trabahador noong March 15, 2023 kung saan nakilala ang complainant na si Gerry Nacional, 41-anyos, may-ari ng isang ulingan sa Amalbalan, bayan ng Dasol at dahil sa tiwala nito sa kanyang trabahador na si Ronaldo Mabini Jr., 24-anyos at ang suspek sa pagtangay ng motorsiklo.
Ayon sa PNP Dasol, nagtaka umano ang biktima bakit hindi na nakauwi ang kanyang motorsiklo at hindi nito tinigilang hanapin hanggang sa matunton ang suspek sa bayan ng Infanta na pinagtataguan nito kasama ng tinangay nitong motor.
Halos isang buwan bago matagpuan ang naturang motor at kahapon, ika-labintatlo ng Abril lamang, narekober sa suspek dito na rin ito na corner.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa suspek, ay inuwi umano niya ang nasabing motor ng kanyang katrabaho at hindi nito maipaliwanang kung bakit nito tinangay. Ayon pa sa kanya, pinalit-palitan niya ang mga materyales ng motor at inilipat umano niya sa ibang motorsiklo.
Kinumpirma ng may-ari ang kanyang motor nang tignan ang engine no nito.
Sa ngayon, nasa kamay ng awtoridad ang suspek para sa tamang disposisyon at sumailalim din ito sa medical examination. Inihahanda ang kaukulang kaso sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments