Trabahador na Nagbebenta ng Droga Kahit Naka-GCQ, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Natigil ang iligal na gawain ng isang trabahador matapos na maaresto dahil sa pagbebenta ng droga sa pamamagitan ng drug buybust operation na ikinasa ng mga otoridad sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kahit nasa new normal o General Community Quarantine ang Lungsod ng Cauayan ay nagawa pa rin magtulak ng droga ng isang 31 taong gulang na si Angelo Salcedo na residente ng Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Sa isinagawang operasyon ng mga otoridad ay nabentahan ni Salcedo ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu ang isang (1) poseur buyer kapalit ng halagang limang daang piso (Php500).


Narekober naman sa pag-iingat ng suspek ang limang daang piso na buybust money, isang lighter, sim card at mga susi ng motorsiklo.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments