Trabahador ng MeatShop, Natagpuang Patay sa isang Creek

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuan ang katawan ng isang lalaki na nakalutang sa bahagi ng ilog na wala ng buhay bandang 3:20 kanina sa Brgy. Villa Gamiao, San Mateo, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Joseph Romero, 26 anyos, walang asawa, trabahador ng isang meatshop sa nasabing bayan at residente ng Brgy. Malasin, Burgos, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ni PMAJ. Jeffrey Raposas, Hepe ng PNP San Mateo, lango sa nakalalasing na inumin ang nasabing biktima dahil galing ito sa isang inuman at lulan ng kanyang motorsiklo na aksidente namang tumilapon sa bahagi ng tulay sa nasabing lugar nitong gabi ng Martes (December 17, 2019).


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.

Facebook Comments