Manila, Philippines – Aabot sa dalawang milyong construction personnel ang kakailanganin ng gobyerno para sa mga infrastructure project na aabot hanggang 2022.
Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, kabilang sa mga proyektong gagawin sa build build build infrastructure program, ay mga bagong kalsada, expressway, tulay, railways, airports at seaports.
Ang mga nais na magtrabaho pero kulang sa kaalaman, maaari namang mag-aplay sa mga isasagawang training program.
Maaari namang pumunta sa tanggapan ng DTI at sa Construction Industry Authority of the Philippines ang mga nais mag-apply sa training program o sa mga construction company.
Facebook Comments