TRABAHO | 100 factory workers at tatlong daang nurse, kailangan sa Taiwan at Germany

Manila, Philippines – Naglabas ng good news ang Philippine Overseas Filipino Workers o POEA sa mga nagbabalak na mag-trabaho sa ibang bansa.

Nasa 100 factory workers ngayon ang kailangan ng dalawang kumpanya sa taiwan at mahigit tatlong daang nurse naman ang hinahanap sa Germany.

Ayon kay POEA Deputy Administrator Jocelyn Sanchez, government to government ang magiging proseso nito.


Nag-abiso naman ang POEA sa mga magbabalak na mag-apply na mag-asikaso agad ng mga dokumento habang maaga pa.

Facebook Comments