Japan – Nasa 1,000 manggagawang pinoy para sa N-flight catering service ang
kailangan ng isang kumpaniya mula sa Japan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, prayoridad ng kompanya na
mabigyan ng trabaho ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na na-repatriate
o umuwi mula Kuwait.
Sinabi naman ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
administrator Bernardo Olalia, makikipag-ugnayan sila sa Technical
Education and Skills Development Authority (TESDA) para isama ang naturang
trabaho sa listahan ng skills na pasok sa technical internship training
program.
Payo ng POEA sa mga interestado ay paghandaan ang mga rekisito.
Mas mainam kung may TESDA certificate sa food preparation para mas madaling
matanggap.
Magsisimula ang recruitment ng Japan sa susunod na dalawang buwan.